Pagdinig sa AMAN pyramiding scam inisnab ng Pagadian officials

IKINAIRITA ng mga mambabatas ang hindi pagsipot sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries Committee ng ilang opisyal ng Pagadian na ipinatawag kaugnay sa pyramiding scam ng AMAN Futures Group.

Agad nagmosyon si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na padalhan ng summon sina Pagadian Mayor Samuel Co, Pagadian Governor Antonio Cerilles at maging si PNP Chief Nicanor Bartolome upang masigurong dadalo ang mga ito sa susunod na pagdinig.

Si Co ay nadawit dahil sa pagbibigay nito ng temporary permit sa AMAN Futures ngunit hindi man lamang diumano ito nagpasabi sa mga kongresista na hindi siya makasisipot sa imbestigasyon.

Iginiit ni Rodriguez sa kaniyang mosyon na sakaling hindi pa rin sumipot sa susunod na pagdinig ay dapat na aniyang padalhan ang mga ito ng subpina.

Samantala, 10,000 reklamo mula sa mga biktima ng pyramiding scam ng AMAN futures group ang iniimbestigahan ngayon ng national bureau of investigation.

Ayon kay nbi director nonatus ceasar rojas, dinagsa sila ng mga reklamo mula nang pumutok na ang scam.

Inamin ni Rojas na buwan pa ng hunyo ngayong taon nang umpisahan nila ang palihim na imbestigasyon sa aman pyramiding scam kasabay ang paghingi ng tulong sa DTI, Securities and Exchange Commission at AMLC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply