Pagdiriwang ng Pasko gawing ‘eco-simple’

KASABAY nang pagsisimula ng Simbang Gabi nitong Linggo, hinimok ng isang Obispo at environmental watchdog ang publiko na gawing ‘eco-simple’ o ‘ecological’ at simple lamang ang pagdiriwang ng nalalapit na pagsilang ni Hesus.

Ito’y bunsod na rin ng pananalasa sa bansa ng bagyong Pablo na bumiktima ng 591,090 pamilya o may 5,782,730 katao, kabilang na ang 955 patay, 2,662 sugatan at 841 pang nawawala.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang ‘eco-simple’ na pagdiriwang ng Pasko ay pagpapakita ng simpatiya sa mga biktima ng bagyo sa Mindanao at pangangailangan para sa mabuting pangangalaga sa kapaligiran.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pagiging simple ng sabsaban na pinagsilangan kay Hesus ay dapat ring magsilbing inspirasyon sa lahat na maging seryoso at mapagkawang-gawa sa panahon ng pangangailangan.

“By being ‘eco simple,’ we save funds that can be used to beef up ongoing relief and rehabilitation efforts, while helping restore our damaged ecosystems through resource conservation, pollution prevention and zero waste,” ayon naman kay Edwin Alejo, Coordinator ng EcoWaste Coalition.

Nagbigay rin ito ng mga “eco simple suggestions” para makatipid ang publiko at makatulong sa mga biktima ng bagyo na kinabibilangan ng pagkansela sa maluhong Christmas parties at get-togethers, hindi pagsasagawa ng fireworks displays, pag-iwas sa paggamit ng paputok, pagbabawas ng gastos sa pagsa-shopping, muling paggamit o pag-recycle sa mga holiday decorations, pagkakaroon ng mas matipid na Noche Buena at Media Noche celebrations, pagkansela sa planong mag-out-of-town o out-of-country holidays at pagbawas sa oras nang paggamit ng Christmas lights.

Ipinaliwanag pa ng grupo na isa sa pakinabang ng ‘eco simple’celebration ng Pasko ay ang pagbabawas ng holiday trash na tinagurian nilang “holitrash,” na nagiging sanhi ng pagbaha.

“With ‘eco simple’ Christmas, we promote ecological values leading to a cut in the volume and toxicity of what we throw away,” anang EcoWaste.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply