Pagdukot kay Rolito Go, Elliot Maguan ipapatawag ng DOJ

DOJ

IPAPATAWAG ng Department of Justice ang pamilya Maguan dahil sa pagkakadawit nito sa pagkidnap kay convicted murderer Rolito Go.

Ito ay matapos mabunyag sa isinagawang preliminary investigation ng DOJ na si Elliot Maguan ay kinilala ng suspek na si Armando Mondero.

Si Elliot ay isa umano sa mga taong kinausap bago maganap ang pagdukot kay Go noong Agosto sa loob ng compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Gayunman, sinabi ni Atty. Claire Castro, abogado ni Go, na hindi pa nila inaakusahan  si Maguan na siyang mastermind sa pagdukot sa kanyang kliyente.

Magugunitang, napatay ni Go si Eldon Maguan noong 1991 dahil lamang sa away trapiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply