Paggamit sa mga paslit sa pagpupuslit ng iligal na droga, nakababahala

NAALARMA ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency sa panibagong modus ng sindikato ng droga na ginagamit ang mga paslit at sanggol sa kanilang pagpupuslit at pagbebenta ng iligal na droga .

Ito ang ibinulgar kahapon ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. matapos ang iniulat na pagkakahuli sa isang ginang na karga ang isang taong gulang niyang sanggol na tangkang ipuslit ang dala niyang shabu na inilagay sa suot na sandals ng kanyang baby habang dumadalaw sa nakapiit na asawa sa Makati City Jail.

Ani Cacdac, marami ang mga naiimbentong paraan ang mga drug traffickers at mga tulak ng droga para maipuslit ang kanilang mga kalakal at ginagamit na ng sindikato ang ilang mga paslit dahil hindi gaanong kapansin-pansin at paghihinalaan ng mga awtoridad kung may dala-dala itong iligal na droga .

Madalas umanong isinisiksik ang mga epektos sa loob ng damit ng sanggol o kaya sa sandals nito upang hindi agad ma detect ng mga awtoridad .

“This is very disturbing. How can someone exploit his or her own child to serve one’s evil purpose. This is one form of child abuse where parents put their children’s lives on imminent risk of serious harm,” ayon sa nababahalang hepe ng PDEA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply