Paghahanap sa 300 mangingisda ng GenSan, bigo pa rin

BIGO pa rin ang search and rescue teams sa paghahanap sa mahigit 350 na mangingisdang nawala sa karagatan ng Sarangani matapos abutan ng bagyong Pablo.

Sa ulat ng Task Force Maritime Search and Rescue GenSan, sa kabuuan ay nananatili sa 26 ang na-rescue habang pitong bangkay pa lang ang nari-recover sa kabila ng tulong ng PC3 Orion ng America.

Kahit lumiliit ang tsansa, hindi pa rin tumitigil ang task force sa pag-asang may buhay pa silang makikita sa mga nawawalang mangingisda.

Tuloy naman ang stress debriefing sa pamilya ng mga nawawalang mangingisda.

Pinananawagan din ni General Santos city Mayor Darlene Antonino Custodio sa mga fishing company na makipag-ugnayan sa kanilang itinayong Coordinating center sa Mati, Davao Oriental upang maibigay ang mga detalye sa patuloy na ginawang search and rescue operations sa binuong task force.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply