Paghanga kay Pacman mananatili -Solons

SA KABILA ng nakabibiglang pagkatalo, nananatili ang paghanga ng mga kongresista kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Tahasang sinabi ni Ang Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na bagama’t sinalanta ng mga nagdaang Bagyong Juan at Pablo ang Mindanao, ang trahedyang dinanas ni Pacquiao ay hindi sapat na dahilan upang basagin ang katatagan ng mga Pilipino.

Hindi rin aniya maitatanggi na sa mahabang panahon hanggang sa kaniyang ikalawang pagkatalo ay nananatiling inspirasyon ng mga Pilipino si Pacquiao.

Ganito rin ang paniniwala ni Iloilo Rep. Janette Garin sa pagsasabing sa kabila ng naging pagkatalo ng kaniyang kasamahang kongresista na si Pacquiao ay napatunayan na nito na isa siyang karangalan sa bansa.

“I still admire the sportsmanship Cong. Pacquiao displayed. Despite the loss he has today, he has proven to be a Philippine gem who has brought us pride and  recognition globally,” giit ni Garin.

Sa kaniyang ika-apat na pakikipagsalpukan sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez ay napabagsak si Pacquiao sa ika-anim na round.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply