Pagkakapasa ng Divorce bill, ikinababahala ng CBCP

NANGANGAMBA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa posibilidad na maipasa na rin ang iba pang kontrobersiyal na panukalang batas, na tinututulan ng Simbahang Katoliko, at planong isulong sa Kongreso sa hinaharap.

Ang pahayag ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), ay kasunod nang pagkakapasa ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill na itinuturing na anti-life bill ng Simbahan.

Ayon kay Reyes, matapos na maipasa ang RH bill ay tiyak na isusunod na ring isulong ng mga mambabatas ang mga panukala na magbibigay-daan sa pagkakaroon ng diborsyo sa bansa, same sex marriage at euthanasia.

Iginiit ni Reyes na ang RH Bill ang magiging tuntungan ng mga nasabing panukala lalo pa’t isa umanong malaking banta sa katatagan ng pamilya ang RH Bill.

Tulad na lamang aniya nang naganap sa ibang bansa nang maipasa ang RH bill na naging dahilan umano ng pagdami ng mga insidente ng premarital sex.

Kaugnay nito, sinabi ng Obispo na patuloy umanong gagamitin ng Simbahan ang kanilang pulpito para ipaliwanag sa mga mananampalatayang Katoliko kung ano ang kasamaan na maaring idulot ng contraceptive.

Una nang sinabi ni Senadora Pia Cayetano na matapos na tuluyang maisabatas ang RH bill ay magpo-pokus naman sila sa Divorce bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply