Pagkakapasa ng RH bill, malungkot na araw – CBCP

cbcp

ISANG malungkot na araw para sa bansa ang pagkakapasa sa Kongreso ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.”

Ito ang sinabi ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), matapos na maipasa ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala nitong Lunes.

Sa kabila naman nito, nanindigan ang obispo na hindi maganda ang idudulot sa bansa ng naturang panukala.

Nagpahayag rin ng paniniwala si Reyes na malaki ang partisipasyon ng Malacanang sa pagkakapasa ng panukala at kinondena ang paggamit umano nito sa pork barrel ng mga mambabatas kapalit ng boto ng mga ito.

“What is very sad also is that Malacañang has pressured our congressmen to vote yes. Had Malacañang not pressured our congressmen in second reading, we would have won, majority is for the truth,” ayon kay Reyes.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Reyes na mananatili ang commitment ng simbahan na i-educate ang mga mamamayan hinggil sa masamang dulot ng contraceptives sa kanila.

Samantala, sinabi naman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na matagal na niyang nakita kung paano magtatapos ang laban sa RH bill, kahit pa may ilang grupo ang nagpaplanong kuwestiyunin pa sa Korte Suprema ang pagkakapasa ng RH bill

“Kung ako ang tatanungin – pero siyempre nga hoping against hope, may nagsasabi na baka may remedyo pa – para sa akin, it is accomplished, tapos na ito,” ani Cruz.

Nilinaw naman ni Cruz na hindi naman sila sumusuko sa laban ngunit kailangan aniya nilang tanggapin ngayon pa lamang ay nagwagi na ang Malacanang.

“Hindi naman sa sumusuko, pero kailangang tanggapin na, ngayon pa lamang, na talagang nagwagi ang Malacañang. Anong gagawin natin? Sila ang may kapangyarihan, nasa kanila ang power of the purse. Wala naman po sa lehislatura ang power of the purse,” sinabi pa ni Cruz.

Duda rin naman si Cruz kung mananalo ang mga grupong planong iakyat ang isyu sa Mataas na Hukuman na sa ngayon ay pinamumunuan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, na kilalang kaalyado ng administrasyong Aquino.

Kaugnay nito, sa panig naman ni Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Shrine, sinabi nito na patuloy silang mangangaral hinggil sa buhay at kasagraduhan ng kasal, at pagtulong sa mahihirap.

“The Church will only shift from being reactive to the RH bill to being proactive in teaching our people especially the grass roots, also in being faithful to the Church teachings,” ani Ignacio.

Umapela rin ito na huwag husgahan ang mga taong bumoto sa RH bill dahil mayroon umano silang sariling kumbiksiyon at pananaw sa isyu.

“They have their own convictions [and] own views on the issue. We do not know where they are coming from. It only shows that there are many things the Church has to do with regards to this. They are our brothers and sisters even if they are on the other side,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply