Pagkakasangkot sa jueteng ni Gov Espino Jr., tututukan ni incoming PNP chief Purisima

IPINAHAYAG ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director General Alan Purisima na tututukan niya ang kasong nagdadawit kay Pangasinan Governor Amado Espino Jr. sa operasyon ng jueteng sa Pangasinan.

Ayon kay Purisima, lahat ng mga isiniwalat nina Bugallon, Pangasinan
Mayor Ricardo Ordunia at Barangay Chairman Fernando “boy bata”
Alimagno ay gagamitin nila sa isinasagawang malalimang imbestigasyon.

Sinabi rin ni Purisima na may mga dati na itong report at sa paglutang ng dalawang insider ay mas madali na umano nilang maiba-validate ang mga reports na iko-convert sa mga ebidensya para sa paghahain ng kaso.

Kaugnay nito, binalaan naman ni Department of Interior and Local
Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang lahat ng mga sangkot sa
operasyon ng jueteng sa Pangasinan na maghanda na at humanap ng
magaling na abogado na magtatanggol sa kanila dahil sa hindi nila
pababayaan ang kasong ito.

Sinabi pa ng kalihim na pasensyahan na lamang sa mga tatamaan maging ang mga ito man ay mga halal na opisyal ng bayan o matataas din na opisyal ng PNP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply