Pagkamatay ni Airman 1st Class Jayson Reforsado, iniimbestigahan

NASASAGAWA ng malalim na imbestigasyon ngayon ang awtoridad upang alamin ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng isang sundalo ng Air Force sa loob mismo ng barracks ng Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., nagawa pang maisugod sa V. Luna Medical Center si Airman First Class Jason Reforsado, 26 anyos,  isang sundalo mula sa military police company subalit idineklarang dead on arrival.

Si Reforsado ay may tama ng bala sa kanang sentido na hinihinalang aksidenteng pumutok ang baril habang nasa loob ng kanyang barracks.

“There is no reason to believe that he was trying to grab a gun from an enemy. Second, they (Reforsado’s colleagues) do not see any reason for him to commit suicide because he did not confide any problem to them,” ayon kay Armed Forces spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr.

Hanggang sa kasalukuyan ang pulis at militar ay nagsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Reforsado na tatlong taon nang nasa serbisyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply