Pagkansela kina Aga at Charlene bilang botante, ipinagbunyi ng petitioners

IPINAGBUNYI ng mga petitioner ang inilabas na desisyon ng korte na kanselahin sa listahan ng mga botante sa San Jose, Camarines Sur ang aktor na si Aga Muhlach at asawang si Charlene Gonzales.

Ayon sa isa sa mga lumagda sa petisyon na si dating Barangay Captain Crispin Imperial, natuwa siya nang matanggap ang desisyon ni Judge Noel Paulite na nag-aatas na aalisin ang pangalan ng dalawa sa
listahan ng mga boboto sa precint number 10-A sa Barangay San Juan.

Batay sa inihaing petisyon, hindi pulitika ang dahilan ng kanyang pagkontra sa kandidatura ng aktor kundi personal dahil alam niyang hindi naman talaga ito naninirahan sa kanilang lugar.

Kahit malapit umano sa kanila ang tinutukoy na bahay ng tatakbong kongresista ng ikaapat na distrito ng lalawigan, malinaw na bihira itong makita rito at wala man lamang organisasyong sinalihan ang mga ito.

Una rito, sa 13 pahinang desisyon ni Paulite, sinasabing hindi nakumpleto ng mag-asawang Muhlach ang hinihinging six-months residency requirement para maging legal na botante.

Si Muhlach ay katunggali ang anak ni Deputy House Speaker Arnulfo Fuentebella na si Felix William “Wimpy” Fuentebella.

Iginiit naman ang kampo ng aktor na iaapela nila sa Court of Appeals ang desisyon ni Paulite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply