Pagkatalo ni Pacman bumandera sa buong mundo

pacman-el-dinamita

HINDI lang sa Pilipinas laman ng balita ang kagimbal-gimbal na pagtatapos ng Part IV fight nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez kundi maging sa lahat ng international news agencies sa buong mundo gaya ng CNN, BBC, Aljazera at iba pa ay nasa top of the hour news ang pagbagsak ni Pacquiao sa canvass sa sixth round.

Laman din ng balita sa daily newspapers at websites sa kahit anong sulok ng mundo ang panalo ni Marquez kay Pacquiao.

Bumandera sa LA Times, Washington Times, ESPN, Wall Street, Daily Mail (UK), New York Times, Irish Times, Sports Ilustrated, USA Today, Yahoo, Miami Herald, Telegraph.co.uk, ang larawan ni Pacman na mistulang natutulog na nakadapa sa lona na nakataas pa sa ere ang kaliwang paa nito habang si Marquez naman ay nakataas ang dalawang kamay na senyales ng kanyang tagumpay sa lona.

Sa boxing career ng Filipino ring icon, tatlong beses pa lamang siya napababagsak.

Ang unang paghiga ni Manny sa lona ay noong Pebrero 1996 kontra kay Rustico Torrecampo, ang pangalawa naman ay noong Setyembre 1999 sa kamao ni Medgoen Singrurat at pagkatapos ng 17 taon, muling natikman ni Pacman ang knockout loss sa mahigpit na karibal na si El Dinamita.

Narito ang ilan sa mga headlines sa iba’t ibang panig ng mundo:

CNN.com: Marquez knocks out Pacquiao in 4th match-up
The New York Times: Pacquiao Stunned in Sixth Round
Wall Street Journal: Márquez Knocks Out Pacquiao in Sixth
The Washington Times: Marquez stuns Pacquiao, boxing world with 6th round knockout

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply