Pagkatalo ni Pacman walang koneksyon sa relihiyon

bishop-oscar-cruz

NILINAW ni Lingayen-Dagupan Bishop Emeritus Oscar Cruz na walang koneksyon sa relihiyon ang pagkakatalo ni pound-for-pound king Manny Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez kagabi (Linggo ng umaga sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa isang panayam ipinaliwanag ng obispo na napakababaw kung isisisi ang pagkatalo ni Pacquiao sa paniniwala ng huli sa Diyos.

“Naku naman, masyadong mababaw ‘yun.”

Paliwanag pa ng obispo, natalo si Pacquiao dahil sa matinding suntok ni Marquez kung saan napuruhan ang Pambansang Kamao.

“Kaya natalo si (Pacquiao) ay pagkat napuruhan siya ni Marquez. Ganon lang.”

“And as far as boxing is concerned – or other sports – paano kung pareho Catholic ang nasa ring? Sino ang ipapatalo ng Diyos?”

Napabalitang isinisisi ni Mommy Dionisia Pacquiao ang pagtalikod ni Manny sa Katolisismo kung kaya ito natalo sa tatlong magkakasunod na nakalipas na laban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply