Pagkukumpuni sa mga kalsadang nasira ni ‘Pablo’ target matapos ngayong Disyembre

TARGET ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ang pagkukumpuni sa mga nasirang kalsada at tulay sa pananalasa ng bagyong Pablo sa Visayas at Minadanao ngayong Disyembre.

Kabilang sa mga kalsada at tulay na hindi pa rin madaanan at nanatiling sarado sa mga motorista sa Compostela Valley ay ang Compostela-Cateel Road, Nabunturan-Maragusan Road, Montevista-DNAS Road at Montevista-Compostela-Maragusan-Mati Boundary Road.

Hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang Cateel-Compostela Road dahil sa landslide.

Sarado rin sa mga sasakyan ang Katipunan Bridge, Ludag Bridge at Mayo Bridge sa Andap, New Bataan .

Hindi pa rin madaanan ng malalaking sasakyan ang Talaingod Road sa Davao del Norte at mga motorsiklo lamang ang pinapayagang makadaan.

Hindi pa rin madaanan ang Lumao Bridge, Taytayan Bridge at Gov. Teodoro Palma Gil Bridge.

Sa kabila nito, tiniyak ng DPWH na kanilang sisimulan ang pagkukumpuni upang agad na maibalik ang normal na buhay ng mga taong naapektuhan ng matinding pananalanta ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply