Pagkumpiska ng mga pulis sa paninda, inirereklamo ng mga vendor sa Divisoria

INIREREKLAMO ng ilang grupo ng vendor sa Divisoria, Maynila ang ilang miyembro ng pulisya na  umano ay iligal na nangungumpiska ng kanilang mga paninda.

Sa panayam sa mga nagrereklamo, kabilang sa kanilang hiniling na paimbestigahan ni NCRPO Chief Supt. Leonardo Espina ay sina P03 Malanghaya, P01 Arceo, P02 Vergara na nakatalaga sa Dagupan PCP /PS2 gayundin si P03 Boyet Blangko ng Anti- Crime Unit ng PS#11.

Kinukumpiska umano ng mga naturang pulis ang kanilang mga paninda at pagdating sa himpilan ay pinatutubos sa kanila, ayon sa mga vendor na humiling na huwag banggitin ang kanilang mga pangalan na.

Hindi, anila, ibinabalik ang kanilang paninda hanggang hindi umano sila nagbibigay ng sinasabing  goodwill money sa mga nabangit na pulis ng Manila Police District .

Maliban pa rito, nakatitikim din anila sila ng katakut-takot na mura mula sa mga nabanggit na pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply