Paglahok ng tropa mula Australia sa Balikatan Exercises, kinondena

KINONDENA ng miltanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang napabalitaang paglahok ng iba pang dayuhang tropa sa Balikatan Exercises sa bansa sa susunod na taon.

Ito ay matapos ipahayag ni Brig. Gen. Michael Compton, assistant for strategic planning and policy mobilization ng US Pacific Command na layon ng Estados Unidos na masawata ang mga banta sa seguridad na komon sa rehiyon sa pamamagitan ng paglahok ng mga tropang mula sa bansang Australia sa Balikatan. Sa tulak ng US, nilagdaan ng Australia at Pilipinas ang SOVFA o Status of Visiting Forces Agreement na magtitiyak dito.

Liban sa Australia, inaasahan ding lumahok sa mga susunod na Balikatan ang mga tropa mula sa Japan.

Ayon ka Kadamay, ang mga militaristang patakarang panlabas ng Estados Unidos ang nasa likod ng mga joint-military exercises katuwang ang iba’t ibang bayan sa daigdig.

Dikta umano ito ng kapitalista sa likod ng military-industrial complex na nagtutulak sa US para maglunsad ng mga giyerang agresyon at magsuplay sa mga bansa ng mg armas pandigma.

“Liban sa lantarang pagyurak sa ating soberanya, ang mga nakaraang joint-military exercises sa bansa ay naghatid ng peligro sa ordinaryong Pilipino, laluna sa mga batang nae-expose sa karahasan,” ani Carlito Badion, national secretary-general ng Kadamay.

“Ang pinakahuling shooting sa isang eskwelahan sa US na kumitil sa 29 katao kabilang ang 20 bata ay epekto umano ng militaristang patakaran at kultura ng Estados Unidos,” dagdag ng lider.

“Sa mga darating na panahon, mas lalaki pa ang biktima ng pamamaslang ng mga inosenteng sibilyan sa loob at labas ng US hangga’t pangunahin sa administrasyong Obama ang kita ng mga kapitalista,” dagdag ni Badion.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply