Pagmimisa sa corridor at malls, ipinagbabawal

cardinals-rosales

NAGPAALALA ang Archdiocese of Manila sa mga pari na sakop nito na mahigpit na ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko ang pagdaraos ng misa sa mga corridor at hallway ng mga malls.

Ito’y kasunod na rin nang pormal nang pagsisimula ng tradisyunal na Simbang gabi ngayong madaling araw bilang paghahanda sa Pasko.

Sa paalalang ipinaskil ng Archdiocese of Manila sa kanilang website, binalaan rin nito ang mga pari laban sa pag-abuso sa Simbang Gabi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mas maagang misa sa hapon habang ang iba ay sa katanghaliang tapat pa.

Ipinaskil rin ang mga panuntunan na inisyu noong 2010 ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales kung saan nakasaad na hindi nila pinapayagang magsagawa ng Simbang Gabi sa mga corridors at hallways ng shopping malls.

“We do not allow Simbang Gabi to be celebrated in corridors and hallways of shopping malls where the celebration of the Holy Eucharist is needlessly exposed to shoppers that are indifferent to the celebration,” bahagi ng naturang guidelines.

Ipinaliwanag ng Archdiocese of Manila na ang tamang lugar para sa mga misa sa Simbang Gabi ay sa mga parokya at chapels.

Maaari lamang umanong maisagawa ang Simbang Gabi sa mga malls o shopping centers kung ito ay aprubado ng Archdiocese.

Ang Simbang Gabi ay tradisyunal na ginagawa mula 4:00 hanggang 5:00 ng madaling araw, sa loob ng siyam na araw bago ang Pasko.

“It should be noted that Sunday evening Mass should not anticipate the weekday Mass of the following day. White vestments are used, the Gloria is sung, and musical instruments accompany the singing during the Simbang Gabi of Saturday evening, dawn of Sunday and Sunday evening,” dagdag paalala pa ng Archdiocese of Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply