Pagpapahinga ni PNoy ‘wag istorbohin – Lacierda

sec-edwin-lacierda

NAKIUSAP ang Malakanyang sa mga taong nagnanais na dalawin o mamasko kay Pangulong Benigno Aquino III na bigyan ng espasyo ang Chief Executive na makapagpahinga ng limang araw.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, gusto talagang magpahinga ni Pangulong Aquino bilang pagtugon sa rekumendasyon noon ni Health Secretary Enrique Ona na magpahinga siya kahit tatlong araw mula sa sobrang hectic ng iskedyul nya.

“We understand that marami hong gustong (dumalaw sa kanya). Ito ay talagang bakasyon para kay Pangulong Aquino. Maaari ho ba kaming humingi ng isang pakiusap sa mga taong gustong dumalaw sa kanya na bigyan po siya ng espasyo at hayaan po siyang magkaroon ng pagkakataong magpahinga kung nasaan man po siya ngayon para lang po talagang masabi niyang nakapagpahinga po siya,” anito.

Sa halip, aniya, na makipag-pulong ang Pangulong Aquino ukol sa trabaho, sa gobyerno ay mayroon naman aniyang mga ibang public officials na pwedeng puntahan at kausapin ng mga ito.

“Hayaan po natin itong ilang araw niyang pagpapahinga na sa kanya lang po itong oras na ito. He is already in touch with us when it comes to matters of state. So our request is if we can ask those people who intend to visit him or who want to pay a courtesy call to the President to refrain from doing so and give him the freedom to rest properly,” ang pakiusap nito.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung may government officials ang nagnanais na dalawin si Pangulong Aquino.

“But certainly we would expect that there would be some people who would like to visit the President,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply