Pagpapalawig ng CA sa freeze order vs Aman ikinatuwa ni De Lima

leila de lima

IKINATUWA ni Justice Secretary Leila de Lima ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na palawigin pa ng anim na buwan ang freeze order laban sa assets ng mga executives ng Aman futures Group.

Ayon sa kalihim, tama lang na i-extend ang freeze order kung saan ikinatuwa nito na pinagbigyan ng CA ang petisyon ng Office of the Solicitor General at Anti-Money Laundering Council.

“The extension will enable the AMLC and other relevant authorities to thoroughly undertake their mandated tasks vis-a-vis the deposits and other known assets of Aman Futures and affiliate entities and related individuals,”  ani De Lima.

Nauna nang nag-isyu ng 20 araw na freeze order ang CA Fourth Division laban sa 25 na bank accounts ng Aman Futures na pag-aari ni Manuel Amalilio.

Sinasabing umabot sa mahigit na P12 bilyon ang natangay ng Aman Futures Group sa mga investors.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply