Pagpapataw ng buwis sa online stores suportado ng M’cañang

online-stores

SUPORTADO ng Malakanyang ang pagpapataw ng buwis sa mga online stores.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala namang pagkakaiba ang mga online store sa mga negosyante na mayroong pisikal na tinadahan.

“Ang hinahabol naman po ni Commissioner (Kim) Henares dito ay makapagbayad po sila n’ung tamang income tax at nung tamang VAT kasi sales naman po ‘yan at dapat pinapatawan po ‘yan talaga ng VAT depende po sa binebentang item. Ngayon lalo ho kung retail po ‘yan, that really is subject to VAT,” ani Usec. Valte.

Nilinaw naman ni Valte na hindi kasama ang pagbebenta ng mga personal na gamit ng mga FB user.

“Klaruhin lang po natin, marami din pong nagtatanong, ‘yung mga sellers daw po ba sa Facebook. Ang tina-target po really ng BIR are the online sites that really do selling for as a business. Hindi po ‘yung—halimbawa meron kang bag tapos, gusto mo nang ibentang pre-owned or—hindi po ganoon. ‘Yung mg secondhand items. Hindi po ganoon ‘yung intensiyon ng BIR. May mga binanggit po siyang site na ‘yung mga malalaki that, you know, that people really go to, to buy things. So hindi ko na po babanggitin ‘yung mga pangalan kasi baka sabihin sila naman ‘yung, ano, but, everybody has a good idea what these sites are,” aniya pa rin.

Kung masama man o hindi ang ikakasang ito ng pamahalaan laban sa mga online stores ay sinabi ng opisyal na depende iyon kung paano iimplementa ang batas sa aspetong ito.

“And the national internal revenue states that if you are a seller and that you engage in retail then, you are subject to tax unless you can show the BIR that you are exempted under a particular law,” anito.

Kumbinsido ang Malakanyang na hindi na kailangan ang panibagong batas para habulin ng BIR ang mga online sellers.

“It doesn’t really matter. The interpretation of the BIR is that they are no different from merchants who sell their wares in physical stores,” aniya pa rin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply