Pagpapatupad ng EWDs muling ihihirit sa LTO

KINALAMPAG muli ng malalaking transport groups si Land Transportation Office Asst. Sec. Virginia Torres para ipatupad ang batas ukol sa paglalagay ng Early Warning Devices o EWDs sa lahat ng mga masisiraang sasakyan sa mga lansangan.

Nagkaisa ang transport groups na kinabibilangan ng ACTO, LTOP, 1-UTAK , Pasang Masda, Motorcycle Federation of the Philippines  at ALTODAP para pilitin ang matagal nang batas na nakaligtaan na aniyang maipatupad.

Ayon sa ACTO, sa kanilang pagbisita sa ilang rehiyon , kapansin- pansin aniya na walang gumagamit ng EWDs sa mga nadadaanan nilang mga sasakyang nasiraan sa lansangan at highways dahil mas napupuna nila na ang mga inilalagay ay putol na sanga ng kahoy at iba pang mga bagay sa mga likuran ng nasiraang sasakyan  na hindi naman mapapansin ng mga paparating na sasakyan.

Dahil dito, halos 30-40% aniya ang naiuulat na aksidente sa mga lansangan  at highways dahil sa kawalan ng EWDs .

Ayon pa sa ACTO, panahon pa aniya ni dating LTO Assec. Lastimoso ay umiiral na ang EWD law.

Sa panig naman ng Motorcycle Federation of The Phillppines (MFP), sinabi ng kanilang Pangulo na si Atoy Sta.Cruz na apektado rin aniya ang kanilang hanay sa isyu ng EWDs dahil marami na aniyang aksidente na kinasasangkutan  ng nagmomotorsiklo na bumabangga sa mga nakaparadang mga sasakyan  sa gilid ng highways na walang mga EWDs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply