Pagpapalit ng uniporme ng PNP isinusulong

PNP-HQ

IMINUNGKAHI ni bagong Philippine National Police (PNP) chief director General Alan Purisima na palitan na ang kasalukyang uniporme ng mga pulis.

Ayon kay Purisima, layunin nito na higit na madaling makakilos ang mga pulis lalo na sa paghahabol ng mga kriminal at pagresponde sa anumang insidente.

Sinabi ni Purisima na pinag-aaralan na ng PNP  kung ano ang magiging disenyo at mga materyales na gagamitin sa bagong uniporme ng mga pulis.

Ani Purisima, ipinag-utos niya sa Directorate for Research and Development ang pagsasagawa ng disenyo at ang paghahanap sa mga kakailanganing materials para sa bago nilang uniporme.

Inaasahan na matatapos ang pagdidisenyo sa bago nilang kasuotan na akma rin sa nararanasang klima sa bansa at magagamit na ito sa lalong madaling panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply