Pagsala sa partylists walang korapsiyon – Comelec

comelec

WALANG bahid ng korapsyon ang ginawa ng Commission on Elections (Comelec) na pagsasala sa mga party-list group na nais lumahok sa 2013 midterm elections.

Ang pahayag ni Comelec commissioner Rene Sarmiento ay matapos na 79 lamang mula sa 296 party-list groups ang pinayagan ng poll body na makalahok sa halalan, na umani pa rin naman ng mga pagbatikos dahil sa ilan umano sa nakalusot ay hindi pa rin kuwalipikadong maging party-list.

Ipinaliwanag naman ni Sarmiento na sinunod lamang nila ang istriktong panuntunan sa pagsala sa mga party-list group.

Ayon kay Sarmiento, ang desisyon ng poll body ay maituturing na ‘collegial’ kung saan apat na boto  mula sa pitong commissioner ang dapat makuha sa pag-apruba at pagkansela ng accrediation ng isang party-list group.

Giit pa niya, maging sila nga na mga Commissioner ay madalas din na hindi magkasundo sa botohan, ngunit kailangan aniya nilang respetuhin ang desisyon ng bawat isa.

Umaapela rin naman si Sarmiento sa Kongreso na liwanagin ang batas kaugnay sa party-list system.

Umaasa rin umano siya na mabibigyang-linaw ng Korte Suprema ang ilang mga isyu na may kaugnayan sa party-list system.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply