Pagsalin ng pamunuan ng Navy

usapang mandaragat

SA DARATING na linggo ay magkakaroon ng Change of Command o Pagsasalin ng Pamunuan ang Hukbong Dagat. Ang ika-32 na Flag Officer-In-Command ng Philippine Navy na si Vice Admiral Alexander Pama ay papalitan naman ng kanyang kasunod na si Vice Admiral Jose Luis Alano at tulad ng mga nakalipas na salin pamunuan, ito ay magiging makasaysayan.

Makasaysayan ito dahil nahaharap ang Navy ngayon sa napakalaking responsibilidad hinggil sa pagtamo ng kapayapaan at seguridad ng ating teritoryong napapalibutan ng karagatan. Makasaysayan ito dahil nahaharap ang Navy sa napaka-importanteng hakbang hinggil sa modernisasyon upang matamo ang isang tunay na kapayapaan at seguridad pandagat.

Makasaysayan ito dahil unti-unti nang lumalapit ang Navy sa takdang panahon ng pagtamo ng kanyang pangarap na maging higit na malakas at maaasahan sa taong 2020.

Para kay Vice Admiral Pama ay hindi madali ang mga hakbang na tinahak upang higit na mapalapit ang Navy sa pangarap nito para sa ating bayan. At tulad ng mga nauna sa kanya ay napakahalaga na magkaroon ng pagpapatuloy at pagsustina ng mga gawain at layunin tungo sa minimithi ng Navy para sa bayan. Ito ngayon ang haharapin ng hahalili sa kanya.

Sa ngayon, Kapasidad, Kapabilidad at Kredibilidad ang nakikitang tatlong malalaking hakbang na dapat tahakin ng Navy (tahakin nang mainam at maayos) upang matamo nito ang kanyang pangarap. Ang tatlong “K” na ito ang siyang magiging susi upang makamit ang tunay na kredibilidad ng Navy na talagang malakas na ito at may kapasidad at kapabilidad na ito upang ipagtanggol ang ating karagatan at ang ating bayan.

Subalit uulit-ulitin ko, ang kredibilidad at lakas ng Navy ay hindi kayang matamo ng Navy at ng ating pamahalaan lamang.

Napakalaki ang papel ng buong sambayanan upang matamo at mapanatili ito. Kailangan ng pagkakaisa nating lahat upang maging ganap ito. Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply