Pagsita ng China sa mga papasok na barko sa WPS iligal

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iligal ang gagawing pagsita ng China sa mga barkong papasok sa West Philippine Sea.

Ayon sa DFA, iligal at paglabag sa international law kung totoo ang hakbang ng China  na sisitahin at iinspeksyunin ang mga sasakyang pandagat na papasok sa mga itinuturing nitong sakop na teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

Inihayag pa ng DFA, sakaling mapatunayang totoo ang ulat na pagpapatrulya at pagsita sa mga papasok sa Hainan Province – na pinaniniwalaan ng China na sumasakop sa halos kabuuan ng South China, mangangahulugang nilalabag ng China ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DoC) at international law partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Batay sa nakalap na report, ang planong ito ay magiging epektibo simula Enero 1 at binibigyan ng kapangyarihan ang Hainan police na pasukin at kumpiskahin ang laman ng mga sasakyang pandagat na papasok sa teritoryo.

Ang West Philippine Sea ang sinasabing pinakamalapit na ruta sa pagitan ng Pasipiko at Indian Oceans at dumadaan ang higit sa kalahit ng mga oil tanker sa mundo.

Kaugnay nito, nagpahayag na rin ng pagpuna ang Estados Unidos hinggil sa plano ng China.

Sinabi ni Navy Spokesman Rear Admiral John Kirby na interes ng Estados Unidos ang kalayaan sa paglalayag sa naturang teritoryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply