Pagsusunog ng gulong sa Bagong Taon, ipagbabawal

INIUTOS ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbabawal sa pagsusunog ng gulong sa lansangan.

Ginawa ni DPWH Secretary Rogelio Singson ang kautusn bunsod na rin na nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Singson, noong nakaraang taon ay marami ang nagsunog ng gulong at iba pang katulad na materyales bilang paggunita sa Bagong Taon subalit hindi aniya ito tama.

“Kailangan nating pahabain at pangalagaan ang buhay ng ating mga kalsada,” ayon sa kalihim.

Sinabi rin ni Singson na ang pagsusunog ng gulong sa kalsada lalo na sa aspaltong bahagi ay nakapipinsala sa daan bukod pa sa nagiging sagabal sa daraanan ng mga sasakyan at nakadaragdag pa sa nararanasang polusyon.

“Ang usok mula sa mga sinunog na gulong na goma ay nakamamatay, kaya mapanganib ito sa tao lalo na sa mga bata”, sabi pa ng kalihim.

Kaugnay nito ay nananawagan ang kalihim sa Philippine National Police at mga local government unit (LGU) na mahigpit na ipatupad ang pag-ban sa pagsusunog ng mga gulong sa kalsada.

Inatasan din ng kalihim ang lahat ng regional director at district engineers ng ahensiya na makipagtulungan sa mga local na opisyal at pulisya upang maipatupad ang naturang total ban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply