Pagsusuot ng uniporme, paglalantad ng armas ipinagbawal ng MILF

MAHIGPIT na ipinatutupad ngayon ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagbabawal sa lahat ng miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ang pagsusuot ng uniporme at palalantad ng baril sa publiko.

Ang kautusan ay ipinalabas ni  Sammy Almanzor, ang chief of staff ng BIAF–MILF.

Nilinaw ni Almanzor na hindi puwedeng magsuot ng uniporme lalo na ang pagdisplay ng armas sa mga pampublikong lugar dahil ito ay bawal sa umiiral na ceasefire agreement maliban lamang kung may malalaking pagtitipon ang grupo at may koordinasyon sa Joint CCCH tulad ng ginawang pagdalo ng BIAF sa Shariff Aguak Maguindanao noong Nov 27.

Nais ng pamunuan ng MILF na mabigyan ng katugunan ang mga reklamong nakarating sa kanila lalo na ang pagsusuot ng uniporme at ang pagdidisplay ng armas sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Almanzor sinsero ang MILF sa pagsunod sa mga probisyong nakapaloob sa ceasefire agreement.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply