Pagtaas ng bayarin sa SSS, tinututulan

TINUTUTULAN ng Partidong Bayan Muna ang pagtataas ng babayarang premium sa Social Security System o SSS mula sa sampu punto apat na patungong labing-isang porsyento sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Bayan Muna congressman Neri Javier Colmenares, dapat munang pag-usapan ang kanilang House Bill 4365 na naglalayong taasan ang pension ng mga retiradong myembro ng SSS bago sana ipatupad ang mas mataas na premium.

Dagdag ni Colmenares, layunin ng kanilang panukalang batas na unti-unting itaas ang pension ng mga SSS member hanggang maging pitong libong piso ang maging minimum na matatanggap kada buwan.

Nagigimbal umano ang Bayan Muna na may mga myembro ng SSS na tumatanggap lamang ng isang libo at dalawang daang piso kada buwan.

Hinamon din ng mambabatas ang SSS na isauli na agad ang halos walong daang milyong pisong sobrang singil nito sa mga myembro bilang abanteng interes sa mga loan ng myembro noong nakaraang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply