Pagtaya sa sugal, bawal sa Dec. 30; lotto pwede

lotto-2

BAWAL tumaya sa karera, sa jai-alai at magsabong ngayon (Disyembre 30) kung saan ipinagdiriwang ng bansa ang Rizal Day.

Sa katunayan, ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ay maglalabas ng infographic ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) sa pangunguna ni Sec. Ricky Carandang at Usec. Manolo Quezon na magpapaalala sa publiko na bawal ang tinatawag na “legal na games of chance”.

‘The Office of Secretary (Ricky) Carandang and Usec. (Manolo) Quezon have prepared something for Rizal Day tomorrow. Naglabas nga sila nung infographic na nagpapaalala na bawal ho ‘yung sabong at ‘yung jai-alai, at mga ibang forms of the games of chance. Bawal, prohibited po ‘yan on Rizal Day,” ani Usec. Valte.

“Mga paalala ‘yan ng PCDSPO ,an office which is really concerned about giving people a sense of history and making it very hip and very current. So usually may project po sila diyan for Rizal Day. “

Nilinaw ng opisyal na ang maaari lamang tayaan ngayon ng mga mananaya ay ang lotto dahil noong ipinasa, aniya, ang batas para sa pagbabawal sa pagtaya sa karera, jai-alai at sabong ay hindi pa uso ang pagtaya sa lotto.

“Wala pa ho yatang lotto noong panahon na pinasa ‘yung batas na ‘yon. We can check the infographic on the Official Gazette online. Meron po silang pinrepare (prepare) na infographic para maipakita po kung ano ho ‘yung mga bawal that are covered by that particular law,” aniya pa rin.

Ipinaalala naman ng Malakanyang sa publiko na nakahalf-mast ang badila sa mga public buildings bilang paggunita sa kamatayan ni Rizal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply