Pagtuga ng bagong huling suspect, magpapalakas sa kaso vs Dominguez bros

SA rebelasyon ng bagong natiklong suspect sa pagpatay sa car dealer na si Venzon Evangelista, mapapalakas ang kaso laban sa sinasabing mastermind na sina Roger at Raymond Dominguez na kapwa nakakulong na ngayon at isinalang na sa pagdinig sa korte.

Inamin ng suspect na si Joel Jacinto na naaresto sa kanyang bahay sa Las Piñas City noong nakaraang Huwebes na sangkot siya sa pagpatay kay Evangelista na ang sunog na bangkay ay natagpuan sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija noong Enero 2011.

Sinabi nitong inupahan siya ng Dominguez brothers bilang kanilang tsuper nang makilala nila ang biktimang si Venzon.

Ikinagalak naman ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Dante Jimenez ang pagkakahuli kay Jacinto. Sinabi ni Jimenez na “with the revelation now of Jacinto, then it will strengthen lalo ‘yung case against Dominguez brothers and the carjacking syndicate.”

“Dahil ‘di ba napatay na yung witness natin na si Alfred (Mendiola), kaya very critical dahil alam mo naman ang mga magagaling na abogado will employ all tactics, technicalities kasi patay na nga si Alfred,” dagdag pa nito.

Si Alfred Mendiola, isang suspect na ikinasanag testigo sa pagpatay kay Evangelista, ay natagpuang patay sa Cavite nitong nakaraang Mayo.

Inamin ni Mendiola na may partisipasyon siya sa krimen nang magpanggap siya na isang buyer sa car shop ng biktima. Inamin din nito nas siya ay miyembro ng Dominguez carnap group.

Pero halos dalawang taon matapos ang krimen, hindi pa rin nakakamit ng Evangelista family ang hustisya.

Inginunguso ni Jimenez ang mabagal na pace of trial sa bulok na justice system sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply