Pagtutol sa probisyon ng RH bill, ginagarantiyahan ng Konstitusyon – Obispo

bishop-oliveros

INIHAYAG ng isang Catholic bishop na may karapatang tumutol ang mga mamamayan sa ilang probisyon ng Reproductive Health (RH) bill kung labag ito sa pananampalataya ng isang tao.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, maaaring hindi sumunod ang mga Katoliko kapag may probisyon ang RH bill na labag sa paniniwala, konsensya at pananampalataya ng isang tao.

Ipinaliwanag nito na walang masama rito dahil ginagarantiyahan naman ito ng Saligang Batas sa ilalim ng religious freedom.

Iginiit pa ng Obispo na hindi maaaring puwersahin ng gobyerno ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang religious conviction.

“You have the right to disagree! Kasi protected ka sa constitution on your religious freedom. If its affects my conscience, if it’s against my religious conviction then the state cannot force me to do something. Ganun yun. Maaari na lang na gawin natin yung sang-ayon sa aking paniniwala. That is why I can only choose sabi nga nila may freedom nga to choose. Then I can only choose the method like natural family planning method and I refuse to choose the other methods na labag sa turo at dokrina ng Simbahan,” bahagi ng pahayag ni Oliveros, sa panayam.

Nauna rito, ipinasa na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kontrobersiyal na RH bill sa kabila nang masigasig na pagtutol dito ng Simbahang Katoliko at hinihintay na lamang na madala ang kopya nito sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply