Pahayag ni Arguelles sa RH bill inalmahan

UNFAIR!

Ito ang sigaw ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa naging pahayag ni Batangas Archbishop Ramon Arguelles na milyong kabataan ang posibleng patayin ni Pangulong Benigno Aquino III sa oras na pirmahan nito ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

“I think that is a very unfair allusion to the Connecticut shooting. That is a very unfortunate tragedy and it should be visited on any community. But to put it and compare it to the RH Bill is a grossly malicious statement. And I think whoever bishop said it should, no.1, pray for the victims of the Newtown, Connecticut tragedy,” ani Sec. Lacierda.

Bukod dito, pinapanatili aniya ng pamahalaan ang pagtalakay sa mga usapin sa mas intelektuwal na antas at hindi sa name-calling at pag-akusa kay Pangulong Aquino ng mga bagay na hindi naman nito ginagawa.

“And definitely we state in categorical terms that that particular statement is a totally unfair statement and (it is) unbefitting of a bishop to say that,” aniya pa rin.

Sa ulat, sinabi ni Bishop Argulles na kung ang  20-year-old gunman ay pumatay ng 20 kabataan sa Estados Unidos ay papatay naman si Pangulong Aquino ng milyong kabataan sa oras na lagdaan niya ang RH bill at maging ganap na batas.

“Our President intends to kill 20 million children with a fountain pen…to sign the RH bill into law,” ang pahayag ni Arguelles.

Hayagan ang pagsuka ng Simbahang Katoliko na maipasa ang RH bill dahil para sa kanila ang nasabing panukalang batas ay magiging daan upang gawing legal ang aborsyon at maging daan ng tinatawag na “promiscuity.”

Samantala, matapos hatawin ng bagyong Pablo ang Mindanao ay nagpahayag naman si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na ang bagyo na nag-iwan ng libo-libong patay ay isang malinaw na mensahe para sa RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply