Pakikialam ni Sen. Lacson, mga pulis muntik magbarilan

ito-ang-totoo-colored

PINANGHIMASUKAN ni Senador Panfilo Lacson ang kapulisan sa Olongapo para maibalik sa puwesto si PSSupt. Christopher Tambungan bilang city director.

Si Tambungan ay na-forced leave dahil sa umano’y partisipasyon sa kidnap for ransom ng kapatid na artista ni Jake Vargas at dalawang iba pa sa Olongapo bukod pa sa pagpapakawala sa dalawang drug pushers matapos magbigay ng pera.

Ito ang Totoo: mismong mga opisyal ng Olongapo PNP ang nagsampa ng kaso sa NAPOLCOM laban kay Tambungan, sina PSupt. Armando Mariano, PSupt. Christopher Mateo, PSupt. Benjamin Elenzano, PCI Teode-rico Catubay, PCI Orlando Reyes, PSInsp. Orlando Reyes, PSInsp. Gil Domingo, PSInsp. Zaldy Lising, PSInsp. Leobaldom Bacon at  PSInsp. Vicente Gabarda.

Ito namang si Senador Lacson ay hinangaan natin noong siya ay hepe ng PACC Task Force Habagat at tayo ay Metro-Manila-based reporter ng ABS-CBN DZMM na na-ka-assign sa Defense at PNP beat. Ibinoto rin natin para makaupo sa Senado, bilib nga tayo, eh. Pero itong paghihimasok na ginawa niya ay muntik nang mauwi sa karahasan sa hanay mismo ng kapu-lisan sa Olongapo.

Lumalabas, kaya bina-back-up-an ni Senador Lacson si Tambungan, nagamit kasi ito umano ng anak niyang si Panfilo Lacson Jr. sa kabaluktutan. Katunayan, may kasong carnapping (two counts) at grave coercion sa Olongapo Prosecutors’ Office, si Panfilo Lacson Jr. , kasama ang mga bataang pulis ni Tambungan na sina PSupt. Arthur Salida, isang PO2 Quinto at iba pa.

Sa lakas ng anak ni Senador Lacson, puwersahang kinuha umano ng mga pulis Olongapo ang mga bus ni Jim Buenaventura ng WPH Transport sa may Hanjin Shipyard sa Subic, Zambales na labas sa jurisdiction ng Olongapo Police noong August 16 at Sept. 12, 2012.

Last week, ipinatawag ni Sen. Lacson ang CIDG Chief ng Zambales na si PCInsp. Virgilio Rubio at doon, pinagbubulyawan at ipinauurong ang demanda laban sa anak niya.

Naroon din si Tambungan na mahabang oras din na naki-close door sa senador na nagkamada ng pagbabalik niya.

Sama-sama namang nag-rally sa harap ng Camp Cabal, HQ ng Olongapo Police, ang mga kababaihan, barangay official, kapatirang Muslim at iba pang residente nitong linggo upang magpahayag ng pagtutol. Naroon sina Brian Gor-don, Councilors Bugsy delos Reyes at Lugie Lipumano, ABC Pres. Carlito Baloy, Bgy. Chair Czar Batapa at marami pang iba.

Mabuti na lang at dumating si PSSupt. Agrapino Javier ng PNP Region 3 na naki-dialogue at naghatid ng balita sa mga raliyista na recalled na ang order na bumalik si Tambungan.

Mali si Senador Lacson sa pagkampi kay Tambungan at pagkunsinte sa anak niya. Mabuti pa, alamin niya muna kung ano-ano ang pinaggagagawa ng anak niyang si dayunyor sa Olongapo, Subic Freeport at Zambales bago niya pagbigyan ang mga kapritso nito. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply