Palengke ng Sariaya, Quezon nasusunog

fire

(UPDATE) Naabo ang tinatayang P6 milyon halaga ng ari-arian at paninda nang masunog ang palengke ng Sariaya, sa Quezon.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-5:30 ng Huwebes ng hapon at naapula makalipas ang dalawang oras.

Nabatid na 25 stall ang nilamon ng apoy.

Nagdulot din ng trapik ang sunog dahil nasa gilid lamang ng highway ang palengke.

Walang naiulat na nasugatan sa sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply