Pamamaslang sa 8 magsasaka sa Bumbaran Lanao del Sur, itinanggi ng MILF

MARIING pinabulaanan ngayon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang brutal na pagpaslang sa walong magsasaka mula sa bayan ng Bumbaran sa probinsiya ng  Lanao del Sur makaraang pagbabarilin ng 30 armadong kalalakihan noong Huwebes.

Ang paslang sa mga biktima ay naganap sa sitio Kalibunton Barangay Mansilano, Bumbaran , Lanao del Sur.

Kilala ang Bumbaran bilang isa sa balwarte ng MILF pero itinanggi ni first vice chairman Ghadzali Jaafar na may kinalaman ang kanilang hanay sa pamamaril.

Posibleng rido o alitan ng pamilya ang motibo sa pamamaril dahil hindi magagawa ng MILF ang pumatay lalo na sa kapwa nila Muslim.

Iminungkahi rin ni Jaafar na dapat magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso para malaman kung sino ang tunay na responsable sa krimen.

Kung mapatunayang sangkot ang ilang miyembro ng MILF sa krimen ay nakahanda naman silang magpataw ng kaukulang parusa dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply