Pamasko ng DSWD sa U2 club; Col. Rod Llorca kumupas na?

burdado

MERRY Christmas po sa lahat ng mga sumusubaybay araw-araw sa Burdado.

Patuloy ko po kayong aaliwin habang binabasa ninyo ang ating mga kadyot at dalirot sa mga gagong opisyal ng pamahalaan at mga iligalista. Pramis po ‘yan!

Kahit minsan ay kaibigan pa natin ang opisyal na masasagasaan sa kolum na ito!

-o0o-

GULAT tayo, parekoy, sa matinding trapiko noong linggo sa may intersection ng Pasay Libertad at Taft Avenue.

Ang dahilan, ginawa nang paradahan ng mga jeep ang isang linya kaya isang lane na lang ang nagagamit ilang metro lamang ang layo mula sa intersection.

Ang masakit, nang ating alamin ay pulis ang itinuturong protector ng paradahan na ito. Ano ba ‘yan Pasay City Police Chief, S/Supt. Rod Llorca?

Pinuri pa mandin kita noong unang araw ng pag-upo mo bilang hepe ng Pasay City. Umaasa kasi ako na ang dati mong tikas sa Masbate ay paiiralin mo riyan sa Pasay.

Kaya nga, sabi ko eh, malayo ang mararating mo. Kumupas ka na ba, parekoy? Pakisilip lang, Rod, kung sino itong pulis na patong sa nasabing iligal na parking.

Dahil kaming mga motorista ang kawawa habang ang hijo de putang pulis mo ay bundat!

Kilos na, parekoy, para maniwala akong “buhok” lamang ang kayang pakupasin sa iyo ng panahon! Hak, hak, hak!

-o0o-

NASAGOT na rin sa wakas ang aking katanungan kung bakit sa kabila ng mga pagbubulgar sa umano’y human trafficking ng mga menor de edad d’yan sa U2 club sa may panulukan ng Macapagal boulevard, Parañaque ay balewala lang at parang bingi ang DSWD.

Isang kaibigan sa tanggapan mismo ni DSWD Sec. Dinky Soliman ang nagbulong sa atin na pagkatapos ng Pasko at New Year ito yayariin! Kung totoo ito, magandang hakbang sana para mapatunayan ng DSWD na desidido silang protektahan ang ating mga kababaihan at ang kabataan.

Ano ‘yan, Madam Secretary, pamasko mo sa mga putahan sa Metro Manila?

Eh, kung after Christmas na ninyo yayariin ang mga kauri nito, ibig sabihin ay maraming “yarian” pa muna ang magaganap sa mga ganitong lugar sa kalakhang Maynila?

Anyway, wala tayong magagawa, parekoy, kalakaran na talaga ‘yan lalo na kung sa Pasko ay nagbibigayan!

Sino sa tauhan mo ang tumanggap Madam Secretary?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply