Pamaskong Handog ni Aquino sa OFWs, binira ng mga maralita

BINIRA ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang kawalang-aksyon ng gubyerno sa lumalaking bilang ng mga OFW na sasalubong sa Pasko sa loob ng piitan sa ibang bansa, kabilang na ang higit sa 100 nahaharap sa parusang bitay.

Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Benigno Aquino ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga Overseas Filipino Workers noong Huwebes kung saan nabibiyaan ang tatlong migrante ng daang-libong halaga ng cash, gift checks at savings account mula sa OWWA,

Ayon sa Kadamay, sa kabila ng taun-taong pagtaas ang Overseas Remittances na pumalo sa rekord na P1.93 bilyon ngayong Oktubre, nanatiling walang plano ang administrasyong Aquino upang kontrolin ang lumalalang kalagayan ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Ayon sa Migrante International, ang pinakamalaking alyansa ng mga OFW, lumaki ng higit sa doble sa ilalim ni Aquino ang bilang kada taon ng mga kasong kinakasangkutan ng mga OFW mula 1,500 na naging 4,500 sa kasalukuyan.

Hindi bababa sa 7,000 OFW ang nakakulong sa iba’t ibang piitan sa buong mundo. 123 sa kanila ay nakahanay sa death row, habang 4 na OFW na binitay sa ilalim ni Aquino. 20,000 naman ang mga migranteng istranded at nagnanais ng umuwi sa bansa.

“Hindi mapagtatakpan ng perang pinapadala ng ating mga kababayang OFW ang dalamhating hatid ng paghihiwalay ng mga pamilya lalo na sa mga espesyal na araw tulad ng Kapaskuhan,” ani Gloria Arellano, tagapangulo ng Kadamay.

Tinanatayang nasa 12-15 milyong Pilipino ang ngayon ay nakikipagsapalaran sa 239 bansa. Ayon sa Kadamay, ang programang K+12 ng gubyernong Aquino ay nagsasanay ng mga kabataang Pilipino para kaagad mangibangbayan pagka-gradweyt nila sa hayskul.

“Sapagkat walang plano ang gubyerno na solusyunan ang malawak na kawalan ng lupa at disenteng trabaho sa bansa na nasa likod ng lumalalang kahirapan at pwersahang migrasyon ng mga Pilipino, patuloy pa umanong lalaki ang bilang ng mga pamilyang magdadalamhati tuwing Kapaskuhan,” ani Arellano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply