Pambabraso ni PNoy pabor sa RH bill, kinondena

PNOY-5

MARIING kinondena ng grupong Solidarity for Sovereinity Movement ang umano’y lantarang pambabaraso ng administrasyon Aquino para maging batas ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Ayon kay Linda Montayre, Co-Convenor ng group, lantaran na ang ginagawang pang-iipit ng Aquino administration sa mga anti-RH dahil sa botohan kagabi sa kamara para sa 2nd reading ng panukalang batas ay naroon si DBM Sec. Butch Abad upang siguraduhin ang pork barrel ng mga boboto sa RH Bill.

Ayon kay Montayre, kailangan nilang labanan ito lalo na’t iligal at imoral ang isinusulong na batas ng pamahalaan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kasabay nito, nanindigan ang grupo na hindi sila uurong sa laban kontra RH kahit saan man sila magtungo.

Inalmahan din ng mga anti-RH Bill ang umano’y pag-pressure ng Malacañang sa boto ng mga kongresista kaya nakalusot sa second reading ang naturang panukalang batas.

Magugunitang inabot ng madaling araw kanina ang nominal voting na nagsimula pa kahapon ng hapon at natapos sa 113 ang bilang ng mga pumabor na mambabatas, 104 na kontra at tatlong hindi naglabas ng boto.

Ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes ang personal na pagtungo nina Interior Sec. Mar Roxas, Budget Sec. Butch Abad, NEDA Director Arsenio Balisacan at Communications Sec. Ricky Carandang ay malinaw na paggamit ng kapangyarihan ng Palasyo sa isinusulong nilang panukala.

Giit ng obispo, nakapagtatakang kung kailan ang schedule ng botohan ay saka naman nagdatingan ang nabanggit na mga opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply