Panalo ni Tugonon sa Miss U ikinadismaya

NADISMAYA ang mga kongresista sa kinalabasan ng resulta ng Ms.Universe 2012 na ginanap sa Las Vegas, USA.

Malaki ang paniwala nina San Juan Rep. JV Ejercito at Cibac Party-list Rep. Sherwin Tugna na ang pambato ng Pilipinas na si Ms. Janine Tugonon ang dapat na nanalo kung pagbabatayan ang ipinamalas nitong elegance sa stage at sa sagot sa question and answer portion.

“Janine Tugonon did us proud. I personally feel that she could have won, she was really stunning! Hometown decision. Ms. USA did not even answer very well in the Q and A. Nontheless, still proud of Janine,” ayon kay Ejercito.

Tiniyak ni Ejercito na isa itong “home town decision” dahil para sa puso ng Pinoy, si Tugonon ang Miss Universe.

Sinasabi naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na pinawi ni Tugonon ang lungkot ng mga Pilipino sa pananalasa ng bagyong Pablo sa bansa at sa kamakailan na pagkatalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagkapanalo nito ngayong taon.

Sa panig nina Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, Eastern Samar Rep.Ben Evardone at Agham Party-list Rep.Angelo Palmones na sapat ng patunay ang tagumpay ni Tugonon na pang-world class ang kagandahan at kagalingan ng mga Pinay.

Ngunit sa kabila ng pagkadismaya ng ilang mambabatas ay ikinararangal nila ang nakamit ni Tugonon sa nasabing patimpalak.

Giit naman ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones na ang pagkapanalo ni Tugonon ay patunay lamang na ang kagandahan ng Pilipina ay pang-world class.

“Filipinas are indeed world class beauties, inside and out. With a quality life for every Filipino family once the RH bill becomes a law, many young Filipinas will have the chance for a quality education that will help them achieve their dreams of being the next Janine Tugonon,” ani Palmones.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply