Pang. Noynoy, all-out sa pagsaklolo sa mga biktima

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

BAGO pa man dumating para manalasa sa Visayas at Mindanao ang bagyong si “Pablo” ay nagbigay na ng mga babala ang pamahalaan kung gaano katindi ito na posibleng mahigitan pa ang pinsalang dulot sa mga mamamayan ng bagyong “Sendong” na buwan din ng Disyembre nang mamerwisyo.

Magkagayunman, umabot pa rin sa mahigit 200 ang nasawi at 500 ang nawawala at daan-daan ang sugatan bunga ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga dagat at ilog at paghampas ng malakas na hangin dala ng bagyo. Malungkot ang Pasko ng mga naging biktima. Pero hindi naman sila pababayaan ni Pangulong Benigno Aquino III kaya’t mabilis na iniutos nito ang pagsasailalim sa state of calamity ng mga apektadong lugar bukod pa sa agarang pagpapadala ng tulong tulad ng mga tao para sa search and retrieval, pagkain, tubig at gamot.

Mabilis ang naging kilos ni Presidente Noynoy sa pagpapadala kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa ilang bahagi ng napinsalang lugar upang ma-monitor kaagad nito ang mga pangangailangan ng mga tao kasabay nang panghihikayat sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan na magtulong-tulong upang masiguro na magiging mabilis at maayos na maibibigay ang pangangailangan ng mga tao.

Hiling ni PNoy na sanaý hindi lang ang pamahalaan ang kumilos upang bigyang tulong ang mga nabiktima ni Pablo subalit maging ang mga residente mismo na nakakaluwag at nakaligtas sa pinsala ng kalamidad. Bayanihan ang hiling ni Pangulong Noynoy sa mga tao at opisyal ng pamahalaan upang sa ganoon ay maging mabilis ang pagdating ng tulong sa mga nangangailangan.

Nagbabala naman si PNoy na kakastiguhin ng pamahalaan ang mga opisyal ng pamahalaan at politiko na sa halip na magdalamhati sa nangyari sa bansa dahil kay Pablo ay sinasamantala pa ang pagkakataon upang isulong ang hangarin nila sa larangan ng politika.

Nangako ang pangulo na bagaman tapos na ang pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao, tuloy-tuloy ang gagawin niyang pagmo-monitor sa nasabing mga lugar upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayang nasaktan hindi lang sa pagkawala ng kanilang mga minamahal subalit maging sa paglalaho ng kanilang tirahan at kabuhayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply