Pangasinan Gov. Espino, ipinagtanggol ng NPC

MALIWANAG na panggigipit lamang ang ginagawa ngayon kay Pangasinan Gov. Amado Espino na idinadawit sa jueteng.

Ayon kay Pangasinan Public Information Officer Orpheus “Butch” Velasco, ipinagtanggol si Gov. Espino ng kaniyang partidong Nacionalist People’s Coalition dahil maliwanag na politically motivated ang ibinabato laban sa kanya.

Ayon kay Velasco, sinabi ni NPC Pangasinan Chairman Rep. Mark Cojuangco na itinaon ang expose matapos lumabas sa survey na tatalunin ni Espino sa pagka-gobernador ang kandidato ng Liberal Party na si Alaminos Mayor Hernani Braganza.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Velasco na talamak ang jueteng sa pangasinan na sinabi nito na mismong ang PNP provincial direktor na itinalaga  ng DILG ang nagdeklara na 96% jueteng free ang lalawigan.

Kasabay nito, mariing itinanggi ng kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang alegasyon ni Bugallon Pangasinan mayor Rodrigo Orduña na kabilang si ginoong Arroyo sa tatlong hari ng jueteng sa bansa.

Sinabi ng abogado ni Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio na madali namang mag-name drop ang sinuman at matagal nang idinadawit ang kanyang kliyente sa jueteng at iba pang anomaly.

Samantala, sinabi ni Topacio na posibleng kasuhan si Orduña dahil sa mga alegasyon nito pero kung siya ang masusunod ay hindi na lang dahil aksaya lamang ito ng panahon kaya hindi dapat pang patulan at pansinin.

Sinabi ni Topacio na mismong lumabas sa bibig ni Bugallon Pangasinan Mayor Rodrigo Orduña na hindi nito nakita at narinig lamang niya sa kolektor na para kay FG ang nasabing pera.

Kaya naman hinamon ni Topacio ang mga nagsasangkot sa Unang Ginoo sa isyu ng jueteng na lumantad at magsampa ng kaso sa korte, hindi lang putak ng putak sa media.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply