Panggigipit sa local execs, paghahanda na sa 2013 elections

rep-danilo-suarez

BAHAGI ng paghahanda para sa eleksyon ng 2013 ang nagaganap umanong pagsuspinde sa mga local officials o pagsasangkot ang mga ito sa mga isyu ng jueteng.

Kumbinsido si House Minority Leader Danilo Suarez na marami ang susunod na suspendehin kasunod ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Ito ayon kay Suarez ay upang tiyakin na hawak na diumano ng pamahalaan ang mga local na opisyal bago ang eleksyon.

“Palagay ko marami pa ang darating. The (purpose) is to control all elective officials by 2013,” sinabi ni Suarez.

Naunang itinanggi ng Malakanyang na ang pagsuspendi ni Pangulong Aquino ng anim na buwan kay Garcia nay walang kinalaman sa politika.

Matapos ni Garcia ay nalagay din sa hot seat si Pangasinan Rep. amado Espino dahil sa paglantad ng ilang local na opisyal at isangkot ito sa operasyon ng jueteng sa lalawigan.

Ngunit ayon sa Nationalist People’s Coalition (NPC) buo ang kanilang suporta kay Espino sa gitna ng alegasyon dito kaugnay sa pagkakasangkot nito sa jueteng.

Tahasang sinabi ni NPC spokesman Rep. Rex Gatchalian ng Valenzuela na buo ang suporta ng partido kay Espino.

“The NPC is solidly behind Gov. Espino who has been dragged into this controversy not by his own doing but by some people who were out to destroy his good name and reputation,” ayon kay Gatchalian.

Tiwala rin si Gatchalian na malilinis din ni Espino ang kaniyang pangalan sa tamang panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply