Pangkat ni Espina magsisiyasat sa whistle blower ni Apolinario

NCRPO, TAGUIG CITY – Nakatakdang siyasatin ng Special Investigation Task Group (SITG) na binuo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) P/Dir. Leonardo A. Espina at pamumunuan ni NCRPO Deputy Regional Director of Administration, PCSupt. Sonny Y. David ang alegasyon ng isang pulis Taguig na nagdidiin sa hepe na sangkot sa katiwalian.

Sa kalatas na ipinarating ni PNP Chief P/Dir. Gen. Nicanor A. Bartolome kay Espina nakasaad doon ang administrative relief order nito kay Taguig Chief-of-Police P/SSupt, Tomas Apolinario Jr., at sa siyam na iba pa na nakatalaga sa Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) bilang bahagi anila ng investigation procedures na pinaiiral ng kapulisan.

Sinabi ni Espina na isasalang din sa gagawing pagsisiyasat si PO3 Alexander Saez  na umamin sa higher authorities na kasama din ito sa recycling ng mga  confiscated drugs sa naturang lungsod.

Idinugtong ni Espina na makakatuwang aniya ni David sa mangyayaring 30-araw na pagsisiyasat sina Regional Investigation Chief P/SSupt. Florendo Quibuyen at Regional Personnel Chief P/SSupt. Arthur Ferlix Asis.

“I will make sure that an objective and factual investigation run its due course to ferret out the truth,” tiniyak pa ng heneral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply