Panonood ng mga kongresista sa labang Pacquiao-Marquez, inupakan ng Kadamay

pak-mar-4

MARIING kinondena ng militanteng grupong Kadamay ang panonood ng mga kongresista sa laban nina Manny Pacquiao at Manuel Marquez sa Estados Unidos sa araw ng Linggo.

Ayon kay Estrella Bagasbas, pangalawang taga pangulo ng Kadamay, mas makabubuti kung ilaan o inilaan na lamang ng mga mambabatas ang malaking gastos nila sa ipinamasahe bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong si Pablo sa Visayas at Mindanao .

Maliban, aniya, sa napakaraming gawaing maiiwan ng mga mambabatas, nasa gitna pa ngayon ang bansa ng pagluluksa para sa mahigit 300 mga kababayan nating mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Pablo, habang maraming iba pa ang kasalukuyang nawawala.

Malaking tulong na rin, aniya, sa rehabilitasyon ng mga nasirang komunidad at kabuhayan sa Mindanao kung pagsasama-samahin na lamang ang itatapong pera ng mga ito.

Idinagdag pa ng grupo na sa halip na maglibang ay dapat atupagin ng mga mambabatas ang pagbasura sa Mining Act of 1995 at iba pang batas na matagal nang napatunayang nasa likod ng pagkasira ng ating kabundukan na siyang natukoy na dahilan kung bakit delubyo ang hatid sa tuwing may dumaraang bagyo sa ating bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply