Panuntunan sa gov’t projects sa election period inilabas ng Comelec

comelec

NAGPALABAS na ng panuntunan ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa mga proyekto ng gobyerno na tatama sa panahon ng 2013 midterm elections.

Kaugnay nito, ipinagbabawal na ng Comelec ang konstruksyon ng mga public works at pagpapalabas ng pondo ng gobyerno para sa nasabing mga proyekto pagsapit ng panahon ng eleksyon.

Sa ilalim ng Resolution No. 9585 na may petsang December 18, 2012, na pinalabas sa media ngayong December 20, 2012, partikular na ipatutupad ang nasabing pagbabawal mula March 29, 2013 hanggang May 13, 2013.

Maging ang mga opisyal ng barangay at mga opisyal sa mga government-owned or controlled corporation ay sakop din ng nasabing pagbabawal .

Papayagan naman ng komisyon ang ilang public works project pero iyon ay sa ilalim ng mga sumusunod na kundisyon :

1. Maintenance ng mga existing o nakumpletong public works, pero dapat ay hindi lalagpas sa average na bilang ng mga empleyado o laborer ang gagawa ng proyekto sa loob ng anim na buwan bago ang March 29, 2013;

2. Ang mga proyekto na nasa ilalim ng kontrata na sumailalim sa public bidding o negotiated contract bago ang March 29, 2013;

3. Mga emergency work na kinakailangang gawin matapos tumama ang kalamidad, pero ito ay limitado lamang sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad.

Kaugnay nito, pinagsusumite ng Comelec ang kalihim ng DPWH, mga gobernador, alkalde at punong barangay ng listahan ng lahat ng nagpapatuloy na public works project na nagsimula bago ang March 29, 2013; mga proyekto na nasa ilalim ng foreign agreement at mga public works na nasa ilalim ng mga kontrata na idinaan sa public bidding o negotiated contract bago ang March 29, 2013.

Ang mga lalabag sa nasabing pagbabawal ay maaaring mapatawan ng isa hanggang anim na taong pagkabilanggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply