Paputok palit laruan, ikinasa ng DSWD

toys

INILUNSAD ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang “Paputok Palit ng Laruan.”

Sinabi ni DSWD Manila head Jay Dela Fuente, na layunin nitong mabura ang taunang record na umaabot sa 1,000 katao ang napuputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon, na karamihan sa mga biktima ay mga kabataan.

Kaugnay nito, magtatalaga ang DSWD ng “palit areas” para doon dalhin ang mga paputok na papalitan ng iba’t ibang laruan na angkop sa edad ng mga bata.

Ikinatuwa naman ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DoH) ang nasabing proyekto dahil makatitiyak na bababa ang bilang ng mga kabataang magiging kaswalidad ng paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply