Paragua kumakasa sa Rose Valley open

NAUWI sa draw ang laban ni Pinoy GM Mark Paragua kontra home bet IM Srinath Narayanan sa round three ng nagaganap na Rose Valley Open International Chess Tournament 2012 sa Kolkata, India kahapon.

Nasa top spot si No. 16 seed Paragua, (elo 2533) matapos ilista ang perfect two points kung saan ay kasalo niya sina top seed GM Radoslaw Wojtaszek, (elo 2734) ng Poland, GM Marat Dzhumaev, (elo 2530) ng Uzbekistan at mga Indian chessers na sina GM Chakkravarthy J. Deepan, IMs G.A. Stany at Narayanan.

Dahil sa tabla ay nakipagsisikan na si Paragua sa second to 17th place tangan ang 2.5 points sa event na may 11 rounds swiss system.

Makakaharap ni Paragua ngayong hapon sa round four si IM Rathnakaran K. Ng India habang si Wojtaszek na tabla rin ang laro kontra kay Chakkravarthy  ay makikipagpisakan kay GM M.R. Venkatesh ng India.

Samantala, sawing palad naman ang ibang Pinoy woodpushers na sina IMs Rolando Nolte, Oliver Dimakiling at Emmanuel Senador.

Pare-pareho silang nalugmok sa round three kaya kailangan nilang manalo sa round four upang mapaganda ng bahagya ang kanilang puntos.

May 1.5 points si Nolte, one point naman kay Senador habang kalahating puntos pa lang si Dimakiling.

Mga taga India ang susunod na makakaharap nina Nolte, Senador at Dimakiling.

Lalabanan ni Nolte, (elo 2453) si CM Bajaj Prince, (elo 2254), si Vikramjit Singh, (elo 2237) naman ang kalaban ni Senador, (elo 2352) habang kikilatisin ni Dimakiling, (elo 2453) sa lower board si Murali karthikeyan, (elo 2315).

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply