Parak inireklamo ng pambubugbog ng 2 binatilyo

MPD-HeadQ

NAGREKLAMO ang dalawang binatilyo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section matapos silang bugbugin ng isang nakaunipormadong pulis kagabi sa Tondo, Maynila.

Pormal na naghain ng reklamo sina Jade Larion,19; at Richard Obani, 16, 3d year high school student at kapwa taga Tondo, Maynila.

Ayon sa mga biktima, nagliligpit sila ng kanilang mga panindang ‘stuff toys’ dakong alas 11 ng gabi sa may ilalim ng overpass sa panulukan ng Claro M.Recto¬† Avenue at Abad Santos, Tondo, Maynila nang lapitan ng isang nakaunipormeng pulis at saka pinagsusuntok.

Matapos masaktan ang dalawa ay saka agad na sumakay ang pulis sa kanyang motorsiklo na kulay asul.

Nagtamo naman ng bukol at pasa ang mga biktima .

Ayon pa sa mga biktima posible umanong napagkamalan lamang sila ng pulis dahil tila may hinahanap ito sa lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at nakatakdang kilalanin ang pulis sa police gallery ng MPD.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply