Parak na magpapaputok sa New Year sisibakin

guns

NAGBABALA si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina na sisibakin niya ang mga pulis sa serbisyo sa oras na mahuhuli o mapatutunayang magpapaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Espina, seselyuhan o lalagyan ng tape ang mga service fire-arms ng lahat ng pulis na nakatalaga sa Metro Manila bukas (Disyembre 29) kung saan bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan para maiwasan ang indiscriminate firing sa pagsalubong ng 2013.

Sinabi ni Espina na maaaring maharap sa karampatang parusa ang mga pulis na mapatutunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Bukod pa sa mga pulis na mapapatunayan na nagpaputok ng kanilang mga service firearms maging ang mga sibilyan ay binalaan din ng opisyal na maaari ring maharap ang mga ito sa karampatang kaso, kung magpapaputok ng baril sa New Year.

Ipinaliwanag naman ng opisyal na kahit na nilagyan na ng tape ang mga service firearm ng kanyang mga miyembro ay hindi ibig sabihin na hindi na nila magagamit ang kanilang mga armas sa panahon ng pangangailangan.

Sinabi nito na ang maaari lamang gumamit ng service fire-arm ay ang mga pulis na nasa lehitimong anti-crime operations.

Aniya sa unang linggo ng Enero 2013, i-inspeksiyunin sa pamumuno ni Espina ang service fire-arms ng lahat ng pulis na nakatalaga sa NCR at sisibakin niya sa serbisyo ang sinumang pulis na mahuhuling lumabag dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply