Parol making contest inilunsad ng NCRPO

TAGUIG CITY – INILUNSAD ni National Capital Region Police Office (NCRPO) P/Dir. Leonardo Espina ang paligsahan sa paggawa ng tradisyunal na “bituin” na sumisimbulo ng kapaskuhan sa maraming Filipino pagkaraang sindihan nito ang Christmas tree sa isang pagdiriwang na ginanap sa harap mismo ng gusali ng nasabing himpilan ng kapulisan sa Metro Manila.

Sa kulturang minahal at patuloy na tinatangkilik ng mga mamamayan ngayong kapaskuhan, hinamon ni Espina ang kanyang nasasakupan na makiisa sa patimpalak sa pamamagitan ng paggawa ng mga kaaki-akit na parol sa ibat-iba nitong hugis at disenyo na kung saan ang malilikom na halaga ibabahagi sa mga nasalanta ng bagyong “Pablo” sa Mindanao.

Sinabi ni Espina na bagaman kanselado ang Christmas party ng kanilang himpilan, hindi aniya nabawasan ang diwa nito at ito ay maaring ipagkaloob sa ating mga kapwa na higit na nanganailangan tulad ng mga kababayan nating naapektuhan ng matinding kalaminan at kasalukuyang nagdadalamhati.

“Sa gitna ng pambansang suliranin, sama-sama nating ihandog ang diwa ng kapaskuhan sa ating mga kababayang dinatnan ng dalamhati, magkaisa tayo sa layuning ibahagi ang ating pagmamahal, pangarap at pananampalataya para sa ating kapwa na higit na nangangailangan dahil ito ang sinumpaan nating tungkulin, ang maghatid ng katiwasayan at maayos na paninilbihan para sa bayan,” anang heneral.

Hinamon din ni Espina ang kakayahan ng kapulisan sa National Capital Region na patunayan nito sa publiko na ang pasko ay hindi nababalot ng kaguluhan, pang-aabuso, pandarambong, patayan at iba pang uri ng krimen.

“Let us prove to the general public that Christmas season should not always be correlated with crimes and this we can achieve by remaining vigilant through non-stop aggressive patrols with our community counterparts in targeting riding-in-tandem, robbers, assassins, and other major criminals,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply